kanina nagtry ako magdrawing kaso di ko magawa kasi mainit ang ulo ko at naiinis talaga ako...

tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ang daming taong iresponsable.

cguro kasalanan ko rin kung bakit ang init ng ulo ko ngaun... kasi naman bkit natanong-tanong ko pa un! pero gusto ko lang naman tlgang malaman...

tinanong ko ung kapatid kong babae na mas bata sakin na ngaun ay buntis. hay naku bkit kasi sa dinami-daming lalaki un pa ung napili nya na napaka-iresponsable at wala talaga syang future. natanong ko lang naman kung cnung magbabayad pag nanganak na sya kc malapit na nga syang manganak... biro mo ang sabi di nya daw alam! di nya ALAM! which means may possibility na kmi ung gagastos! aba kinuha-kuha nila samin ung kapatid ko at ang kapal pa ng mukha nila na sabihin samin na pag-aaralin daw nila puros yabang lang pla cla!

hay naku! ngaun pag-aaralin nila ang pinakamamahal nilang anak pagkatapos nitong manganak... ang bait talaga ng papa ko! di kaya nagsasayang na naman cla ng tuition fee dahil lagi na lang syang nagloloko... ilang beses nya ng ginawa un!

wala naman akong masyadong galit sa kapatid ko... naiinis lang ako kc lagi na lang syang inuuna. sabagay sabi nga nila ganun talaga un kc daw pag alam nilang mabait ung anak nila tingin nila maiintindihan nya un! well sawang-sawa na ako sa kakaintindi! unti na lang tlaga at malapit-lapit na akong magwala....

naisip ko ang hirap pala talagang maging panganay... hay sana di na lang ako naging panganay!
Currently feeling: angry
Posted by frozen_eyes on May 5, 2004 at 01:56 PM | 2 kiss me
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

illuminata (guest)

Comment posted on May 6th, 2004 at 06:22 AM
ok lang yan :) magiging ok sa olrayt din ang lahat :) basta think positive, hayaan mo cla, hindi naman ikaw ang gagastos diba?
Comment posted on May 5th, 2004 at 02:38 PM
ok lng yan..well..di ko tlga alm, kc only child lng ako!!..pro nkkasar nga yan..mag papabuntis n lng sana dun na sa may future sya..

malamang mataas ang tiwala sayo ng mga magulang mo!!

minsan mahirap din pag asayo lht ng atensyon dhl nkksawa dn pansinin at pakeelaman ang lht ng ginagawa..cguro medyo nabuburyo na din ang iyong kapatid!! pero hnd dn natin masisi ang ating mga magulang dhl cguro gusto lng tlga nla mapaganda ang buhay ng iyong kapatid!!..

hyuckk..adeekkk ko!!hehe..add kita..