Entries for May, 2004

ive been thinking a while ago what im going to write that can inspire the readers, unfortunately i have thought of writing something about me... i really think you can't get anything inspirational but at least you can know me, the real me! hehehe as if you care

first of all i really hate essays! as in i really think it sucks... there is a good reason behind it naman! we all know that it's the last part of our examination paper and to tell you frankly im not good in explaining things in english. im not good in speaking english and tagalog! they call me alien coz i kinda combine tagalog words and im not really particular with that words. lalo na ung mga mahahabang tagalog words... they really laugh at me
back to the essay thing, i get distracted as in sobrang distracted when my classmates go out in the room for they already finished the exam while im still answering the essay. of course im freaking out na, gus2 ko na rin matapos! sabi ko nga it's more okay kung puros enumeration na lang at identification eh! well because of that essay thing di tuloy ako makaperfect

i have been to a company of drug addicts... not really an addicts pero they used drugs. some of them are really lost, ung tipong wala talagang patutunguhan! ung umpisa naiilang ako sa kanila coz im not used to socializing pero because of my sister i learn. im a loner at wala daw kamuwang-muwang sabi ng sister ko kaya pinilit nya akong sumama sa kanya at ng may malaman naman daw ako sa mundo... it's not what your thinking! hehehe
i learn to drink and smoke kc ginusto ko rin! they will not gonna force you to do something that you dont want to do... it's my decision! they bring out the bad side of me! hahahaha badgirl na ako sa paningin ko pero goodgirl pa rin para sa kanila! warfreak me noon, as in if you gonna dare me to fight, i'll fight! but my sister dont allow me to do that, kinda protective! she really treats me like a baby and i become used to it! actually di ako nakakausap ng mga tropa ko dati kc they see me as shy, goodgirl and decent pero nung dumating ung time na talagang nasaktan ako ng mga friends ko sa school, i really feel dumped! that started it all, this is the result... i kind of girl na makulit, palaban at kayang makipagkaibigan kahit kanino! i just realized then na di ko dapat pinapaikot ung mundo para lang sa kanila! simula nun natuto na akong mangulit and i became close to my tropa na puros lalaki. i discover then na mas okay ung company nila. because of them im not that aloft na sa mga masasamang elemento ng lipunan! hehehe ive been with them! i think it's a good thing...

i really hate people who judge other! bakit di kaya nila subukan makasama ung mga taong un ng maintindihan nila! i dont want to be with them na for i easily get influence... dapat ang sinasamahan ko lang ay ung mga mababait! hehehehe tulad ni lea para bumait din ako! hahahaha

some think that im immature. some think that im fragile so they really handle me with care. some think na ang gaan ko daw dalhin! hehehe that was funny! magaan daw ako! wahahaha well they said na madali daw ako kagaanan ng loob... some think i have a cute personality. some are confused to my real identity! di nila malaman kung alien ba ako o human being... hehehe just kidding! magulo daw po kasi ako, they really think im so difficult to handle! naguguluhan na nga rin ako sa personality ko eh! hehehehe


im really good at sensing the personality of a person and because of that im able to understand their shortcomings. im really an observer kaya nga others think that im so tahimik, ung iba tingin sakin snob! i give them that impression! first impression doesn't last.

after reading this what do you think about me?
Posted by frozen_eyes on May 2, 2004 at 09:52 AM | cheers!
you are deeppink
#FF1493

Your dominant hues are red and magenta. You love doing your own thing and going on your own adventures, but there are close friends you know you just can't leave behind. You can influence others on days when you're patient, but most times you just want to go out, have fun, and do your own thing.

Your saturation level is high - you get into life and have a strong personality. Everyone you meet will either love you or hate you - either way, your goal is to get them to change the world with you. You are very hard working and don't have much patience for people without your initiative.

Your outlook on life is very bright. You are sunny and optimistic about life and others find it very encouraging, but remember to tone it down if you sense irritation.
the spacefem.com html color quiz
Posted by frozen_eyes on May 2, 2004 at 02:37 PM | cheers!
Emerald
! You are most like An Emerald !
Caring, giving, - and very emotional. You're the
person
people turn to with a problem. You worry about
everybody,
and genuinely want to help - a little too much
sometimes.
As an emerald, you tend to take a more backseat to
the other
gems, but your inner beauty soon captivates those
who take
the time to get to know you.
Congratulations ... You're the selfless gem
everybody needs as a friend.


?? Which Precious Gem Are You ??
brought to you by Quizilla
Posted by frozen_eyes on May 4, 2004 at 08:09 AM | cheers!
Posted by frozen_eyes on May 4, 2004 at 08:38 AM | cheers!
kanina nagtry ako magdrawing kaso di ko magawa kasi mainit ang ulo ko at naiinis talaga ako...

tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ang daming taong iresponsable.

cguro kasalanan ko rin kung bakit ang init ng ulo ko ngaun... kasi naman bkit natanong-tanong ko pa un! pero gusto ko lang naman tlgang malaman...

tinanong ko ung kapatid kong babae na mas bata sakin na ngaun ay buntis. hay naku bkit kasi sa dinami-daming lalaki un pa ung napili nya na napaka-iresponsable at wala talaga syang future. natanong ko lang naman kung cnung magbabayad pag nanganak na sya kc malapit na nga syang manganak... biro mo ang sabi di nya daw alam! di nya ALAM! which means may possibility na kmi ung gagastos! aba kinuha-kuha nila samin ung kapatid ko at ang kapal pa ng mukha nila na sabihin samin na pag-aaralin daw nila puros yabang lang pla cla!

hay naku! ngaun pag-aaralin nila ang pinakamamahal nilang anak pagkatapos nitong manganak... ang bait talaga ng papa ko! di kaya nagsasayang na naman cla ng tuition fee dahil lagi na lang syang nagloloko... ilang beses nya ng ginawa un!

wala naman akong masyadong galit sa kapatid ko... naiinis lang ako kc lagi na lang syang inuuna. sabagay sabi nga nila ganun talaga un kc daw pag alam nilang mabait ung anak nila tingin nila maiintindihan nya un! well sawang-sawa na ako sa kakaintindi! unti na lang tlaga at malapit-lapit na akong magwala....

naisip ko ang hirap pala talagang maging panganay... hay sana di na lang ako naging panganay!
Currently feeling: angry
Posted by frozen_eyes on May 5, 2004 at 01:56 PM | 2 kiss me
so we can have somebody to talk 2?

someone who can be der pag gus2 natin gumala?

a person na pwedeng manlibre satiin?

taong magbibitbit ng gamit mo?

alalay for short!

eh panu kung di ka nya mahal

would u still love him/her?

would you still continue 2 care 4 dat person?

bakit naman hindi?

u didnt love dat person para magkaroon ka
ng
alalay,

magkaroon ka ng instant meal dahil libre,

taong gagawa ng assignments mo or projects,

or taong mahihila mo if u want to go out...

if dats wat u think about love well sori ang
babaw mo,

loving a person doesnt nid 2 hav a criteria

na dapat maganda o guwapo,

dapat mabait or understanding,

kc once u fall inlove u take the risk of
accepting dat person

kahit maingay sya ma2log, ung hilik ng hilik

kahit matakaw sya o sobrang fat na nde kau kasya
pag puno ang jeeep!

kahit sobrang moody nya na kulang nalang ay
sapakin mo sa inis!

ung sobrang selosa na pati barkada
pinagseselosan
bad3p dbah?


and ung napaka-arte OA kung baga!

o kahit anu png things

dat would turn u off...

hirap tlaga magmahal trying 2 be perfect kc gus2
mong magtagal

pero hinde un ang sagot sa lahat...

ACCEPTING da real person fully!

kc if u said na mahal mo sya u dont nid 2find
answers

kung y mo sya love...

kc lahat ng tao nagbabago but if u accept dat
person

magbago man sya in da middle of ur relationship

hinde ka masasaktan kc u know dat darating din
un..

dapat tanggap mo sya ng buo...

mahirap gawin pero masarap subukan dahil

wala ng sasaya pa if u let one person feel na

MAHAL NA MAHAL mo sya without asking 4 anything
in return...

MAHAL NA MAHAL MO CYA without even knowing y..
thats d beauty of it.. mahal mo cya coz u juz
feel it..

minsan magugulat n lng tayo n we love d person
khit opposite cya s lahat ng gusto natin..

di kailangan may reason kng y ntn mahal ang
isang
tao..
U JUZ KNOW!

den u can say wow un pla yun tnatawag na...

LOVE!
Posted by frozen_eyes on May 16, 2004 at 09:46 AM | 5 kiss me
im a papa's girl... dati! hehehe

ngaun kc im a nobody's girl... pero ok lng! sa palagay ko mas maganda un ganun kc di ka magmamataas sa ibang tao, u wil be humble lalo na wen u feel u are nobody...

dati kc spoiled ako, un tuloy napakamaldita ng dating... gus2 ko lagi nasusunod gus2 ko, pag di nasunod...hehehe magwawala ako! pero that did not last long... tingin ko nga neglected ako and taken for granted, buti na nga lang may isip na ako nun kung hindi baka kung ano ng gnwa ko sa buhay ko... matagal ko na ngang magrebelde pero every time na miisip ko un, nasasabi ko na lng sa sarili ko... what's the use? ako lng ang masisira at ayokong masira ang buhay ko! kaya ayun, tingin talaga nila sa akin ay napakabait.. ehehe walang karecord-record, di tulad ng kapatid ko na nging bisyo na ata ang manugod ng tao...hehehe

mama ko lagi na lang inihihinga sakin ung mga problema, since highschool pa.. e hndi pa namn ako marunong maghandle ng ganun... hay parang sakin pinadadala ung burden nya, bigat nun ha. syempre pag umiiyak na ung mama mo sau mapapaisip ka kung anng dapat mong gawin... at nsasaktan lang ako lalo kc lam kong wala akong maggawa... hay buhay...

that's why i always feel im useless...
Posted by frozen_eyes on May 16, 2004 at 10:29 AM | cheers!
li
You are a normal angel. Innocent and pure. Full of
light and hope. You love to be around others,
and really know how to have a good time. You
enjoy hanging around with mortals. You like ti
sing, which you are great at, and like to have
others near you. People are naturally attracted
to your bubbly personaliy, and love to be
around you. Normal angels are always popular,
and have lots of fans. You are happy go lucky,
with an interesting out look on the world.

Though you have experienced pain, that is all
behind you now. You see the bright side to
things, and are always there to help a person
in need. You are quite pretty, with a childish
air, though you know more than others think.

You are a really friendly person. But can be a tad
selfish at times.

You are bright and full of energy.

Better get my shades!


What Type Of Angel Have You Become?
brought to you by Quizilla
Posted by frozen_eyes on May 17, 2004 at 08:44 AM | cheers!
ANG MGA BABAE TALAGA…

*grabe. usapang lalake*


*sindi ng yosi*


*hithit*


*buga*

musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-
muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko
maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*


Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-
aralan pero lagi na
lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo
tingnan, hindi
nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay
pagdating sa
pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang
hirap ng lalake na gumawa ng first move para
magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na
dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-
lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang
alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata
nila e
mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang
naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago
pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten
para masabi naten sa kanila na mahal natin sila.
Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo
na yung babae, diba? Tapos liligawan
pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin
to-the-max.
Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan,
palalamunin,
pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e
pagsilbihan mo nang
walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende
sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala
silang pake kesehodang mahal natin talaga sila.
Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang
malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak
pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang
sinusukat
bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal
na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung
mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang
mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-
iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"hindi pa 'ko ready eh..",

>"sorry pero i think we should just be frends..",

"HA? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? hahahaha.."

"better luck next time na lang muna, okey lng?",

"para lng kitang kapatid e.."

yaddah yaddah. isang malaking pagsasaklob ng
langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*


*lunok*


At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage
pa lang yon.
Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang
hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang
hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may
gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang
magtatyaga; tayo ang magiging devoted at
faithful; tayo, tayo tayo.


Sila? Ummm? Teka, isipin ko.



Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo
dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy
at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo
ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang
magsasabi kung kelan ka dapatmag-shave, kung
kelan ka pwedeng tumawag sa bahay
nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil
meron sila, at
kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.


*kuha ng bote ng beer*

*lagok*


*lunok*


Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon.
Pag maganda, edi okay. Pag may problema,
kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung
tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal
naten kaya di na natin iniintindi yun.


*hinga ng malalim*


Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo
magmahal sa
kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi
lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung
magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature.
Hindi yung parang pambata lang gaya nila na
kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte,
dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang
kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag
nagmahal.

*hinga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*


At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*


Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to,
either sawa na
sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang
better saten, o kaya they need f*cking space and
time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong
choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak
na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may
kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga
bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.
Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno
matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten
nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na
ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip
kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan
tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali,
mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single,
at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na
lang naiiwan sa
ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong
hininga.
Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-
lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.





ANG MGA LALAKI TALAGA…


Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake,
agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi
maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa
ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig,
kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami
ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at
iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti
pagkakamalan ka nang malandi. Hindi
pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na
malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O.
kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa
mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na
kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at
gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel
ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos
kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad
yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot
ka para suyuin
ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman
nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.
Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing
magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay
niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto
kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala
na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na
ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para
lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang magsakripisyo,
magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan
wala na,
balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan
nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto
akong ipagawa sa iyo.

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob
pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa
panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit
pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at
laging magsisilbi sa kanya.

Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag
ikaw naman
ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa
sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig
na "I think we need space" at kung anu-ano pang
ek-ek.

Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait,
maging devoted at faithful? Kapag kami ang
sumaway niyang mga iyan, iba na
ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot,
pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag
ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok
lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo
iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano
pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala
namang ibang magagawa eh.


Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand
namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang
namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo
kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo
kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa
amin. Seryoso rin
naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad.
Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang
19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It
follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa
nga kung minsan ang pagbawas ng level of
maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-
iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw.
Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon
diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!


Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha
ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin.
Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.
Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos
kami. Bakit naman kami magseselos kung wala
kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas
masarap.


Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre
iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa
raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang,
sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang
choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na
tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues
na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha,
bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa
harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek.
Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa. Post-
break up, mahal pa ng babae si lalaki.
Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang
kapag may
kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the
break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong
sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala
sa init sala sa lamig talaga.


Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging
babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin
kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.
Posted by frozen_eyes on May 18, 2004 at 09:06 AM | cheers!
ung ibang tao ayaw nila n reminisce, ako gus2ng-gus2 ko! kc naman naaalala ko ung mga kabalbalan ko sa buhay...hehehe

ilan beses ko ng natanong sa sarili ko kung talaga bang naranasan ko ng mainlove, kung talagang love ba un... sabi kc ng iba hndi daw love un kung kaya mong pigilin, e napigil ko...hahaha

kc naman masyado akong pasafe e, i dont want to take the risk... well di nmn sa takot akong masaktan kundi takot akong masaktan ung mahal ko... tingin ko kc at that moment na wala nmn patutunguhan kung magkaroon man kami ng relationship... kaya better na wag na lang...

isa pa ilang beses nya rin nasagi ung pride ko... ang pinakamamahal kong pride.. hehehe pero that didn't stop me from loving him. kasalanan ko rin naman un e, masyado kc akong showy... kya nga i didn't believe them na nagsasabi sakin na pahard to get ako, hello if i care about that person, i'll show it... bakit ko naman ikahihya nararamdaman ko.

akala na nga ng mga barkada nmin kmi na... hehehe inseparable po kc kmi, i dont kow... prang may magnet eh hahahaha
pero my sister didn't like him and she didn't know that i have feelings for his friend. kainis, nirereto nya ung fren nya sa knya... sabi ko ok lng (confident akong ako ung gus2 nya eh!) hehehe

tpos nagkakilala sila, wala naman pagbabago... until pumunta kmi sa haus ng isa naming tropa, nagkainuman... eh inuubo xa ng moment na un, so todo hagod ng likod tpos humingi pa ako ng candy pra sa knya... then ung girl nagpaalam na mgc-cr lng

katabi ko xa as usual, sumenyas sya sa sister ko... di ko naintindihan kung ano un, ako naman curious (sana di ko na lang natanong) tinanong ko kung ano un... ayaw sabihin nung guy pero napilit ko sister ko, sabi nya may balak daw syang ligawan ung girl, you know what... kahit na napakahina ng pagkakasabi sakin, parang bombang sumabog un... ang sakit!!!

at that moment gus2 kong umiyak pero walang luhang umaagos, hindi ako makahinga... gus2 kong sumigaw, gus2 kong maghanap ng away... pero syempre di ako nagpaobvious, parang wala lng... nagtakip ako ng panyo sa mukha...kunwari lasing na ako hehehe

pagkatapos ng pangyayaring un, di na ako sumasama sa lakad ng barkada... gus2 ko kcng makarecover agad at di ko un magagawa kung makikita ko sya, bka kc di ko mapigilan ang sarili ko at aminin ko sa knya ang feelings ko (ayokong magpakacheap!)

kaso lang balak ata akong paglaruan ng tadhana..hehehe napabisita xa kasama ung iba sa haus nmin... halos di ko na nga xa tignan eh.. hay naku pang-asar, nilalambing pa ako...kainis ang sarap sapatusin hehehe

ung debut ko, xa pang-18 ko...hahaha so kala ko may continuation, may balak nga ako nun pagselosin xa kc may nirereto sakin cousin ko, in fairness cute xa... pero di ko type, mahinhin kc! hahaha
halos lahat na ata ng barkada nmin lam na may feelings ako sa knya... kakahiya, kasalanan bng maging showy ha? kaya i plotted a plan wahahaha... pakikilala ko itong nirereto sakin na bf ko sa barkada ko, kaso lang di natuloy di ko kinaya eh... malakas pa rin xa skin at kahit na anong gwin nya, ayaw ko pa rin xa masaktan...

sweet nman me dun sa nirereto sakin...pero nung makita ko xa na nakayuko at malungkot... goossshhh iniwan ko ung guy hahaha sa knya ako tumabi, at un di n nmn kmi mapaghiwalay...

lahat ng makakapancn samin aakalain kmi... kinausap ako ng cousin, naikwen2 ko sa knya ung guy... sabi nya mukhang may feelings daw kmi sa isa't-isa at wag ko daw ideny un, kc daw po pag katabi ko xa behave daw ako... hahaha

pagkatapos ng debut ko lagi na xang tumatawag, lahat ng nangyari sakin nung araw na un irereport ko sa knya... ayos db? nakahalata ung mom ko at tinanong me kung nanliligaw daw sakin... sabi ko hindi nakikipagkwentuhan lng... hahaha

ung time na nagpaparamdam na xa, wala na akong feelings sa knya... so kasalanan nya un, ang bagal nya....

actually na22wa akong alalahanin un... kc napatunayan ko na di ako manhid katulad ng sinasabi nila...
Posted by frozen_eyes on May 18, 2004 at 10:02 AM | 2 kiss me
oh my! i never expected this... kala ko tlagang wala na me nararamdaman sa knya kung ganun bkit nung tumawag xa... gosh! as in tumalon ung puso ko... hahaha not literally ha!

mabanggit nga lang pangalan nya iba na pakiramdam ko... ayoko ng nagkakaganito ako!!!

wake up tina... close book na xa db? kalimutan mo na xa ok? haaaayyy i think kelangan ko lng ng mapaglilibangan na ibang bagay, isa pa may bago na akong gus2...

kakainis, sana nmn wla lng tong nararamdaman ko. tingin ko naman normal lng to! ang tagal n nmin hndi nagkikita at sana pag nagkita kami may bago na me... hehehe

di ko kayang ihandle feelings ko pag nagkakaganito ako at ayoko ng ganun... para akong baliw! kaasar...

mmya pag nsa katinuan na ako sa palagay ko maayos ko na itong nararamdaman ko...

sana wag na xa ulit tumawag....

buti na lang kanina at di ako ang kausap nya! hay ano kyang mangyayari pag ako nakausap nya... hahaha baka matameme ako!
Currently feeling: annoyed
Posted by frozen_eyes on May 20, 2004 at 07:47 AM | 6 kiss me
i really like it when it's cold pero naiinis ako kc NAKAKABORED d2 sa bahay....

namimis ko na talagang gumala
haaayyy... wala pa akong ibang makausap d2 sa bahay. di nmn kc cla nakikinig sa mga knkwen2 ko eh! at wala na akong maisip na ikkwen2 kc di nmn ako lumalabas ng haus nmin.... kya i2 puros reminisce...hehehe

naaalala ko 2loy lahat ng kabalbalan ko noong araw...

it's a good thing that im alone coz it made me realized at this moment na somehow matured na pla ako... (proud na ako nun)

di na kc ako katulad ng dati na kapag wlang magawa eh kung ano-anong kabalbalan pinaggagawa... lagi pa nmn nila akong iniiwan mag-isa! andami ko 2loy pinapatawag sa bahay pra may makausap nmn ako...hahaha

magchat na lang kya ako
kaso lang di na ako magaling na chatter katulad ng dati eh... nagtataray na kc me at nang-iisnab... kc nmn puros bolahan lang gngwa nila dun eh ang gus2 ko lng nmn makipagkaibigan...
Posted by frozen_eyes on May 21, 2004 at 09:34 AM | cheers!
i have watched the SCQ a while ago and i really think that sandara should be the one to be out in the circle of five but to my dismay it was neri.... i really think it's unfair! what the hell is happening to this people?! duh! can't they see that sandara is not fit to be actress... she's only good in waving... sorry guyz... but it's not fair!

charisma? yeah right... you must have this quality to be a celebrity...duh! face or talent???
im really surprised when i have watched the american idol... guess what i've realized... they dont look for the appearance of the person, talent matters...

im really affected, it's obvious...

i know how she feels... my dad too is working abroad. and if only i can do something to make him stay...

enough of the sandara and neri thing... im not a fan to anyone. it just happen that neri got my sympathy and im close to tears a while ago...
Currently feeling: cranky
Posted by frozen_eyes on May 22, 2004 at 02:46 PM | 8 kiss me
bkit ba lagi na lang akong naaapektuhan ng mga pinaggagawa ng iba?

naiinis na tlaga ako... ok lng nmn sakin kahit hndi nila ako pansinin, for all i care basta cguraduhin lang nilang di nila ako maaapektuhan ng mga kilos nila!

bwisit na buhay nmn toh! nananahimik ako sa isang tabi bbwisitin nila ako!...

gus2 ko sanang iumpog kapatid ko bka sakaling maalog at magkaroon nmn xa ng unting sense!!!

bkit ba nila mas lalong pinapahirap ang buhay??? no wonder ang gulo-gulo ng mundo ngaun... cla rin nmn gumagawa ng problema nila eh!

pagnagreact ako, ako ung kontrabida... ako ung immature!!! it's ok...as if i care!!! i dont care about wnat they said about me... matagal ng pangit ung reputation ko sa knila... maldita daw ako at madamot! at least nmn responsible ako noh!!!

if i have a chance i want to get out of here... i want to live alone, i want to prove them that they are wrong...
Posted by frozen_eyes on May 23, 2004 at 08:44 AM | 1 kiss me
bkit ganun pag ang topic tungkol sa love interesado tau mashado?

cnu ba ang mas malalim magmahal? babae o lalaki?

bkit maraming takot magmahal?
Posted by frozen_eyes on May 25, 2004 at 11:36 AM | 2 kiss me
« 2004/04 · 2004/06 »