marami taung narerealized sa pagdaan ng panahon...

mga bagay na nakasakit sa atin

mga taong sinaktan tau

naisip ko... tama nga cla "everything has its own reason"

dati naiinis ako, madalas kong ikompara ang aking sarili sa mga taong nasa paligid ko... lagi ko na lamang minamaliit ang sarili ko, inaapi... gusto kong maging katulad nila

dati di ko mapahalagahan ang mga bagay na nasa akin, sa kanila kasi ako nakatingin... naiinggit

di ko matanggap ang sarili ko, kung bakit ako ganito... nawiwirduhan ako sa sarili....

pero nalaman ko na espesyal din pla ako...

sa paraan na di ko alam hanggang sa sandaling ito....

naniniwala akong unique taung lahat sa iba't-ibang paraan...

pero bakit nga ba may mga taong nagpipilit maging sila ang hindi nmn tlga sila?

nakakapagod ang magbigay ng lakas pra lamang maiba ang sarili mo at maging katulad ng minimithi mo...

maging masaya ka at tanggapin kong ano ka at magiging ok ang lahat, nasisiguro ko un....

masarap maging ako... masarap sa pakiramdam lalo na at alam nila kung anong klase ng pagkatao mo... di mo na kelangan pang magsuot na maskara, nakakagalaw ka ng maayos at wala pang pressure

gusto ko ang sarili ko, ang ugali ko at ang pagkatao ko....

kung hindi nila ako gusto ay wala naman akong magagawa dun...

ayoko nmn ipagpilitan ang sarili ko o kya ay baguhin ang sarili ko pra lang sa kanila...

ok na sa akin ito! masayang maging totoo!
Posted by frozen_eyes on November 10, 2004 at 10:29 AM | cheers!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.